Dumalaw ang pamilya Montemayor sa kanilang kumare at kumpare na kapitbahay para mag-celebrate ng post-Christmas lunch. Potluck ang usapan kaya nagbaon ng pagkain ang pamilya.
Pagbukas ng pinto ay sinalubong sila ni kumare.
Kumare: Amiga!! you’re just in time halos kumpleto na ang pagkain natin. May pansit, lechon, hipon… ano ba yang dinala mo?
Mrs.: Kumare eto o Maja Blanca for dessert!
Kumare: Uyyy dessert… sinong gumawa?
Mrs: Ako syempre, kagabi lang yan!
Kumare: Ahh ganun ba? (parang na-dismaya)
Tinawag ang maid nila.
Kumare: Ederlyn!!
Ederlyn: Ano po yun ati?
Kumare: Kunin mo itong Maja Blanca at ilagay mo dun sa mesa sa tabi kasama ng fruit salad.
Ederlyn: Opo ati. (kinuha ang Maja Blanca at umalis)
Kumare: Baka meron ka pang tinatagong iba dyan mare?
Mrs.: Ha… baket? Kulang ba yung handa?
Umentra si Inday na nasa likod nila Mr. and Mrs. Montemayor at may dalang pagkain na nakalagay sa loob ng stainless steel na container.
Kumare: Ohhhh kasama niyo pala si Inday. (mukhang natuwa)
Kumare: Inday ano yang dala mo?
Inday: Oh just something I concocted earlier before we went here just in case the feast today lacks oomph.
Nilapag ni Inday sa mesa ang dala at binuksan.
Inday: Nothing special, just salt-roasted potatoes sprinkled with Gross El, a coarse grey salt that is quite popular in France. It’s tasty yet not overpowering which is what a side dish should be.
Kumare: (nanlake ang mga mata) OOhhh…. perfect!! Pwede!! (tuwang tuwa)
Kumare: Ederlyn!! Pakilagay itong dala ni Inday sa gitna ng mesa katabi ng lechon. Ayusin mo rin yung food lamp ng lechon ha para mailawan din ito.
Mrs. (mukhang nalugi at siniko si Mister) Sabi sayo wag na naten isama si Inday eh! Kahit ako na lang ang magbantay kay Junior.
Hope you guys had a satisfying Christmas meal!
No comments:
Post a Comment