Tuesday, August 12, 2008

Salamat, Salamta Musika . . .

Paano mo patatahimikin ang isang bunsong iyakin
Huhunihan ni inay ng la-la-rin la-rin
Paano mo patatahanin ang pagtatampo ni Neneng
Pasalamat ka't my awit na kakantahin


Sa mga indayog tayo'y napapasayaw
At sa labis na galak ay napapasigaw, wow
Ang mga kirot sa puso ay lumilipad
Ang mga mithi ay natutupad


Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon, maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla

Ang mga bituin sa langit at mga kathang isip
Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig
Ang magagandang tanawin, mga tulang malalim
Kukulangin din upang tayo'y aaliwin


Aanhin ang kayamanang 'di madadala
Aanhin ang kagandahang pansamantala, ha
Ang katahimikan ba ay may magagawa
Upang ihayag ang nadarama (napapasaya)


Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon, maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla

Salamat, salamat musika
Lahat ng panahon, maaasahan ka
Salamat, salamat musika
Itong munting mundo ay napapasigla


Salamat, musika
Salamat, musika
(Salamat musika)
Salamat musika

No comments: